Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Bukod sa murder, humaharap din si Ang sa reklamong serious illegal detention dahil sa pagkawala ng mga sabungero
This is a transcript of what justice reporter Jairo Bolledo says in the video
MANILA, Philippines – Si Atong Ang ay humaharap na sa mga reklamong murder at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng ilang mga sabungero.
Pahiram ng ilang minuto at pag-usapan natin ito in detail.
Biyernes, August 1, nang mag-file ang pamilya ng mga nawawalang sabungero ng reklamo laban sa businessman na si Atong Ang sa Department of Justice.
Mabibigat na akusasyon ang murder at serious illegal detention, pareho po itong non-bailable.
Sabi ni Justice Secretary Boyeng Remulla, may witness daw na magpapatunay na allegedly involved itong si Atong Ang sa pagkawala at pagkamatay ng mga sabungero. May mention din na allegedly itong si Ang ay mastermind at head daw ng isang criminal organization, ayon kay Remulla.
Na-mention din ang relasyon ni Ang sa dating niyang tauhan na si Julie “Dondon” Patidongan. Kung matatandaan ‘nyo, itong si Julie “Dondon” Patidongan o Alias Totoy ang unang nagbintang na si Ang daw ang mastermind sa pagkawala ng mga sabungero.
Again, itong si Dondon, 2022 pa lang ay nakasuhan na for kidnapping and serious illegal detention kasama ‘yong lima niyang kasamahan na nagtatrabaho sa Lucky 8 Star Quest.
‘Yong Lucky 8 Star Quest ay pag-aari ni Ang at ito ‘yong operator ng mga sabungan kung saan huling nakita ‘yong ilang nawawalang sabungero.
Kung sina Dondon ay nakasuhan, itong Senado na nag-imbestiga sa mga nawawalang sabungero ni-recommend na ipagpatuloy ng PNP at NBI ang imbestigasyon sa Lucky 8 Star Quest at kay Ang.
And after a while nga naging dormant or hindi active itong isyu kay Ang in relation to the missing sabungeros until this year na na-resurrect ‘yong isyu dahil kay Alias Totoy or Dondon. Balik tayo sa mga reklamo — for now, ito po ay mga complaints pa lang. Next step ay titingnan ng prosecutors kung okay ito for preliminary investigation.
At kapag nakita ng prosecutors na may sapat na ebidensya at may certainty of conviction puwede na nilang kasuhan si Ang sa korte at puwede na magsimula ang trial.
Nakabase ang lahat sa prosecutors.
Pero kung tatanungin si Justice Secretary Remulla ay hinog na raw for trial ang kasong ito.
Kung interested pa kayong pag-usapan ang missing sabungeros case, don’t forget to download the Rappler Communities app and join the justice and crime channel. – Rappler.com
Reporter/writer/video editor: Jairo Bolledo
Supervising editor: Mia Gonzalez