Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Rappler’s Bonz Magsambol files this video report on President Ferdinand Marcos Jr.’s weakened influence on the Senate
MANILA, Philippines – President Ferdinand Marcos Jr. has lost his grip on the Senate in the 20th Congress, as the Duterte-allied senators take key Senate chairmanships.
Powerful committees were handed to the Duterte bloc — likely to secure support for Senate President Chiz Escudero. These include Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Bato dela Rosa, Bong Go, Imee Marcos, and siblings Mark and Camille Villar.
Rappler’s Bonz Magsambol filed this video report.
Payback time?
Mukhang nagbunga na ang pagsuporta ng Duterte bloc kay Senate President Chiz Escudero matapos i-anunsyo ang ang kanilang committee chairmanships nitong Tuesday, July 29.
Hindi naman nakakagulat na makakuha ang Duterte bloc ng mga komite dahil sila ay parte ng Senate majority. Traditionally, members of the Senate majority get first dibs of the committees.
Pero ang nakakagulat ay nakuha nila ang masasabing powerful committees ng Senado.
Sino ba ang Duterte bloc? Pito sila – senators Rodante Marcoleta, Bong Go, Imee Marcos, Bato dela Rosa, Robin Padilla, at ang Villar siblings, Camille at Mark.
Himayin natin.
Nakuha ni Marcoleta ang powerful blue ribbon committee ng Senado. Big deal ito. Bakit? Ang Senate blue ribbon kasi ang humahawak ng high-profile investigations.
Kaalyado ng mga Duterte si Marcoleta. Ininderso siya ni VP Sara noong nakaraang eleksyon at habang rumurolyo ang imbestigasyon sa kamara tungkol sa confidential funds, naging kasangga ni VP si Marcoleta.
Si Marcoleta rin ay instrumental sa shutdown ng ABS-CBN noong Duterte administration.
Bagama’t walang background sa law o Constitution, nanatili namang chairman ng committee on constitutional amendments si Robin Padilla. Matatandaan na masugid siyang nagfa-file ng bill para gawing federal government ang pamahaalan ng bansa, isang adbokasiya ni former president Rodrigo Duterte.
Naging kontrobersyal rin si Padilla sa nakaraang kongreso dahil sa “lack of decorum” nito tuwing may session o hearing.
Si Bong Go naman ay nakuha muli ang chairmanship ng health committee. Matuturing rin itong mahalagang komite sa Senado dahil saklaw nito ang mga bagay na may kaugnay sa kalusagan.
Matatandaan na ang kanyang Malasakit center ay naging instrumental sa kanyang pagiging topnotcher nitong nakaraang eleksyon.
Nakuha naman ni Dela Rosa ang komite ng public order and dangerous drugs. Matatandaan na nagsagawa siya ng hearing sa mga sinasabing “fabricated” evidence ukol sa PDEA leaks o umanoy kaugnayan ni President Ferdinand Marcos Jr. sa paggamit ng illegal drugs. Wala namang napatunayan sa mga hearing na pinangunahan ni Dela Rosa.
Si Imee Marcos naman ay muling nakuha ang komite ng foreign relations. Matatandaan na pinangunahan niya ang imbestigasyon sa pag-aresto kay Rodrigo Duterte ng ICC.
And, of course, ang Villar siblings. Nakuha ni Camille ang environment committee na hawak ng kanyang ina noong nakaraang Kongreso. Si Mark naman ay nakuha ang public works.
Ang malalim na pagkakasangkot ng pamilyang Villar sa parehong politika at real estate ay matagal nang binabatikos dahil sa posibleng pagkakaroon ng conflict of interest.
Merong imbestigasyon ang Marcos administrasyon sa PrimeWater na pag-aari ng mga Villar dahil sa poor services nito. Tinitingnan nila ang angulong conflict of interest dahil sa halos 100 ang kontrata ng gobyerno ang napunta sa PrimeWater noong panahon ni Mark sa DPWH.
Sinasabi ng mga political observer na tila nawalan na ng power si Marcos sa Senado ngayong 20th Congress. Traditionally, naka-angkla ang priority legislation ng Pangulo sa leadership ng Senado. Paano na ito ngayon?
Ako nga pala si Bonz Magsambol, patuloy kayong tumutok sa Rappler. – Rappler.com