Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Rappler sums up what the regions believes was missing from SONA 2025
CEBU, Philippines – President Ferdinand Marcos Jr. delivered his fourth State of the Nation Address (SONA) at the Batasang Pambansa Complex on July 28, gathering mixed reactions from different advocacy groups over his priorities and progress of his administrative promises in the previous years.
This year, Rappler asked various representatives from the regions of Visayas and Mindanao to learn what they felt was missing from his address.
Rappler’s John Sitchon reports on it here.
SONA-kulangan ba kayo?
Natapos na ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero parang may kulang pa rin sa mga panukala at pangakong binitawan niya.
Ayon sa labor sector mula sa Visayas, tila walang sagot ang Pangulo sa kalagayan ng mga manggagawa sa mga rehiyon. Sabi nila, hindi pa rin naisasakatuparan ang pinangakong disenteng trabaho at sahod.
JOHN RUIZ OF BAYAN MUNA: Lami paminawn ang SONA ni Marcos sa iyahang mga pulong siguro, pero dili makita og unsa gyud ang iyang klarong program o direksyon, ilabi na sa paghaw-as sa katawhan sa kamahal karon sa palaliton ug kakuwang sa kita ug sweldo sa atong katawhan
(Marcos’ SONA might sound good to listen to because of his words but it’s hard to see what his clear program or direction is, especially in relieving the people of the current high cost of goods and the lack of income and salaries for our people.)
Ipinahayag naman ng human rights sector ang kakulangan sa pagpahalaga ng mga karapatang pantao. Ayon sa KARAPATAN, karamihan sa mga political prisoners ay naka-detain ngayon sa Negros, at lumalawak din ang militarization sa iba’t ibang komunidad sa Cebu.
DENNIS ABARRIENTOS OF KARAPATAN CENTRAL VISAYAS: Kuwang sa paghatag og bili sa dungog sa katawhan (It lacked the valuing of people’s dignities/human rights)
Right now, even urban barangays here in Cebu City are similarly militarized.
Sa fisherfolk sector naman, hindi raw klaro ang policy direction ng administrasyon para ipagtanggol ang mga mangingisda. Iginiit ng mga taga-Cebu na walang sagot si Marcos sa patuloy na paglawak ng presensya ng mga commercial fishing vessels sa 15 kilometers ng mga municipal waters.
JIOVANNIE POLESTICO OF PANGISDA PILIPINAS: Ang nagpakaon sa atong katilingban, ang atong mga mag-uuma ug mananagat, gutom sa kasamtangan, apan hapyaw ra ang pagtubag sa ilang kahimtang.
(Those who feed our communities, our farmers and fisherfolk, are currently starving, but there is little response to their plight)
Dako kaayo ning pagkadelikado sa seguridad sa atong pagkaon ug delikado mismo sa kinabuhi sa mga mananagat ug ang atong kinaiyahan. (This poses a great threat to our food security, the environment, and the lives of our fisherfolk.)
Nais din sanang marinig ng mga guro sa Mindanao kung paano masosolusyonan ang krisis pang-edukasyon sa Pilipinas.
CRISLIE UNABIA, ASST. PROFESSOR AT MSU-IIT: Kailangan ng malawakang pakikipagugnayan sa sektor ng edukasyon kung ano ba talaga yung problemang kaharap natin para ma-address etong sinasabi nating problemo na mababang marka ng estudyante, reading and comprehension, mathematics, at iba pa
Nakabubuhay na sahod, pagpapahalaga sa karapatang pantao, proteksyon para sa mga mangingisda, at solusyon sa krisis pang-edukasyon.
Ilan lang ito sa mga hindi nabanggit sa SONA – mga isyu sa mga rehiyon na sumasalamin sa tunay na kalagayan ng bansa. Dahil dapat umabot sa bawat rehiyon ang pinangakong kaunlaran sa buong bansa. – Rappler.com