Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

Ano ang kinalaman ng mga pulis sa missing sabungeros?


Pinag-usapan din sa episode na ito kung ano ang mangyayari sa mga pulis sakaling mapatunayang sila ay nagkasala at mga dapat gawin upang maiwasang maulit ang pagkadawit nila sa ganitong mga krimen

MANILA, Philippines – Ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot umano sa pagkawala at pagkamatay ng mga sabungero, ayon sa akusado at whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan.

Sa ngayon, 18 pulis ang humaharap sa kasong administratibo sa National Police Commission (Napolcom) bunsod ng reklamong isinampa ni Patidongan at pamilya ng mga nawawalang sabungero laban sa mga pulis. Ayon sa Napolcom, halos lahat ng pulis na nadamay sa eskandalo ay nadawit na rin sa iba pang kaso noon.

Sa episode na ito ng Rappler Talk, kinapanayam ni justice reporter Jairo Bolledo si Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan upang pag-usapan kung paano nadawit ang mga pulis sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Pinag-usapan din kung ano ang mangyayari sa mga kapulisan sakaling mapatunayang sila ay nagkasala at mga dapat gawin upang maiwasang maulit ang pagkadawit ng mga pulis sa ganitong mga krimen.

Panoorin ang episode na ipalalabas nang 8 pm, Martes, August 5.

English translation:

Several members of the Philippine National Police (PNP) are allegedly involved in the disappearance and deaths of cockfighting enthusiasts, according to the accused and whistleblower Julie “Dondon” Patidongan.

As of now, 18 cops are facing administrative cases before the National Police Commission (Napolcom) following the complaint filed by Patidongan and families of the missing cockfighting enthusiasts. According to Napolcom, nearly all the policemen implicated in the scandal had also been involved in other cases in the past.

In this episode of Rappler Talk, justice reporter Jairo Bolledo speaks to Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan to discuss how the police got entangled in the case of the missing cockfighting enthusiasts.

They also talk about the cops’ fate if they are proven guilty, and the steps that need to be taken to prevent police from being involved in such crimes again.

Watch the episode airing at 8 pm, Tuesday, August 5. – Rappler.com

The article’s English translation was generated with an OpenAI model. It was reviewed by an editor prior to publication.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *