Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

[EDITORIAL] Risa Hontiveros defying gravity again


This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Huwag tayong kukurap sa pagsunod sa kaso ni Duterte sa The Hague at ni Quiboloy sa trial courts

Sabi ni Senadora Risa Hontiveros noong Mayo 2016, “We defied gravity” matapos manalo sa ikatlong pagsabak sa eleksiyon. Matapos ang dalawang pagkabigo — that took guts na magtiwalang ihahalal siya ng komunidad na kumikilala sa kanyang dunong at dangal.

Risa Hontiveros, Sara Duterte, Impeachment

Noong 2024, umiyak sa harap ng Senado ang isang taong naka-face mask, dark glasses, at baseball cap.  Siya si Michael Maurillo, at ikinuwento niya papaano siya sinodomize, inoverwork, at na-brainwash. 

Ayon sa artikulo ng Mindanao coordinator namin na si Herbie Gomez, “Maurilio’s account then was sharp and specific…He pointed fingers, named names, and detailed horrors.” Pero nag-retract si Maurillo. 

Sabi ni Hontiveros, “Kasinungalingan ang mga alegasyon ngayon mula sa nagpakilalang dating testigo sa pagdinig ng Senado ukol sa mga krimen ni Pastor Apollo Quiboloy.”

“’Sangkaterba ang ebidensiya ng aking opisina na magpapatunay na gawa-gawa lang ang pahayag ngayon ng taong iyan.” Lahat daw ng mga tumestigo ay boluntaryo, sabi niya.

Tingnan naman natin ang track record ng sanggang-dikit na sina Rodrigo Duterte at Apollo Quiboloy.

Sabi ng commenter na si Onyd Subingsubing sa isang post sa Facebook: “Kung merong political faction sa Pilipinas na may well-documented track record ng paggamit ng pekeng mga testigo, planted na ebidensya, coercion, red-tagging, troll armies, at choreographed media narratives, ito ay ang Duterte machinery.”

Ano ang realm of possibilities ng diskarteng Duterte-Quiboloy? Inisa-isa ‘yan ni Subingsubing.

  • Eye-opener dapat ang pag-persecute kay dating senador Leila de Lima kung saan umamin ang mga star witness na sila’y ginipit at tinakot na mag-imbento ng testimonya. Si Rafael Ragos, pinilit magsinungaling ng justice secretary ni Duterte na si Vitaliano Aguirre. Si Kerwin Espinosa naman, pinilit ni Bato dela Rosa. Si Ronny Dayan, diniktahan ng pekeng script ni dating congressman Rey Umali habang nasa police custody.
  • Binanggit din niya si Bikoy na naging kasangkapan upang maghain ang pulisya ng sedition cases laban sa bise president noon na si Leni Robredo, senador noon na si Antonio Trillanes IV, Atty. Chel Diokno, mga taga-Liberal Party, mga obispo, at iba pa. Lumipas ang mga taon at na-convict si Bikoy ng perjury noong 2023.
  • Naaalala ‘nyo pa ba ang pekeng “Oust Duterte Matrix” na nagdawit kay Robredo, sa oposisyon, mga abogado, at mga taga-media sa umano’y plot? Wala kahit isang hibla ng ebidensiya ang naiprisinta.
  • At siyempre, standard operating procedure sa war vs drugs ni Duterte ang magtanim ng ebidensiya sa pagsabing “nanlaban.”

Noong 2017, inireport ng Rappler na ayon sa isang 2017 Oxford study, P10 milyon ang ginugol ng Duterte camp sa troll farms upang umatake sa critics at magpalaganap ng propaganda.

  • Natikman din ito ni Robredo, na naging “top target ng disinformation” noong 2022 nang binangga niya ang noo’y magkaalyado pang Bongbong Marcos-Sara Duterte.

Pero ang pinakamatindi pa ring pruweba ay mismong mga kasong isinampa ng Estados Unidos laban kay Quiboloy ng money laundering, rape, at marami pang iba — sapat upang ilagay siya sa Most Wanted list ng FBI.

Sa seryeng ito, inexpose ng Rappler ang exploitation at pang-aabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at corruption ng pamunuan ng pseudo-simbahan.

  • PART 2 | ‘Root of all evil’: Quiboloy church’s demands for money mire followers in debt. Sa report na ito, ipinakita paano nagkamal ng yaman si Pastor Quiboloy mula sa pawis at dugo ng kanyang mga tagasunod. Ang mga anak ng kingdom ay pinapag-quit sa paaralan, trabaho, ipinabenta ang kanilang mga ari-arian, at pinaglo-loan upang makatugon sa quota. Pinaparusahan sila kapag hindi nakade-deliver ng quota, at inaabandona kapag nagkasakit.

Ibangga naman natin ‘yan sa track record ni Senadora Risa na siyang namuno sa pag-uncover ng Senado sa mga POGO at sa pekeng Pilipinong si Alice Guo.

Si Hontiveros ang isa sa dalawang oposisyon sa Senado na matapang na naging boses ng katuwiran at prinsipyo.

Sa pagbabalik-tanaw kay Quiboloy at mga kasalanan niya sa taumbayan at sa Diyos bilang self-proclaimed “Son of God” — huwag nang isama ang paninirang-puri ni Maurillo. May pinagdaraanan din na impiyerno ngayon si Maurillo dahil malaki ang posibilidad na may banta sa kanyang buhay.

Magpokus tayo sa kasinungalingan ng mga Duterte, sa pambababoy at panggigipit na ginawa sa mga kawawang miyembro ng KOJC ni Quiboloy.

Huwag tayong kukurap sa pagsunod sa kaso ni Duterte sa The Hague at ni Quiboloy sa trial courts — pati na rin sa pagsubaybay at page-expose sa pangha-harass na ginagawa sa mga kritikong tulad ni Hontiveros.

Tapusin ang impunity. Gawing accountable ang mga taong nasa kapangyarihan. – Rappler.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *