Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

Mapapauwi na ba si Harry Roque?


Sa Pilipinas, may warrant of arrest si Roque para sa kasong trafficking na nagmula sa alegasyong may koneksiyon siya sa isang Philippine offshore gaming operator

MANILA, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Netherlands ang hiling ni dating spokesperson Harry Roque na asylum, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Ang asylum ay proteksyong ipinagkakaloob ng isang bansa sa mga taong umalis sa kanilang bayan dahil sa politikal na persekusyon.

Si Roque ay may warrant of arrest dahil sa kasong trafficking na nagmula sa alegasyong may koneksiyon siya sa isang Philippine offshore gaming operator.

Pinaaresto rin siya ng House of Representatives matapos siyang ma-contempt dahil sa hindi pagsunod sa utos ng quad committee noong nakaraang taon.

Mapapauwi na nga ba si Roque ngayong hindi napagbigyan ang asylum niya?

Panoorin ang paliwanag ni justice reporter Jairo Bolledo. – Rappler.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *