Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Nanaig ang prinsipyo at plataporma ni Vico Sotto at ng mga kaalyado niya, laban sa ‘trapo tactics’ ng katunggali nila
MANILA, Philippines – Kung hindi ka taga-Pasig, may kinalaman ba sa iyo ang tagumpay ng Giting ng Pasig ticket ni Mayor Vico Sotto sa nakaraang eleksyon?
Sa bansa nating talamak ang “trapo” o “traditional politics” na kakambal ng katiwalian sa puwesto, tumataginting ang mensahe ng 15-0 landslide na pagkapanalo ng Giting.
Ubod kasi nang yaman ang naging katunggali ng Giting, na sabi nga ng mga residente ay “nagbuhos ng biyaya” sa mga Pasigueño bago pa man magsimula ang opisyal na pangangampanya.
Ipinakita ng mga botante ng Pasig na maaari palang manaig ang prinsipyo at plataporma sa isang halalan dito sa Pilipinas. Tunghayan ang kuwento sa video na ito. – Rappler.com